-- Advertisements --

Posibleng wala pa ring papayagang mga audience sa pag-host ng bansa ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Araneta Coliseum.

Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios na pumayag ang Quezon City Government na doon gawin ang laro subalit bawal pa rin aniya ang mga audience.

Gaganapin kasi sa Araneta Coliseum ang torneo mula Pebrero 24 hanggang 28.

Paliwanag pa ni Barrios na nag-iba ang sitwasyon kung saan kung noon ay sa Philippine Sports Commission lamang sila nagpapaalam ay ngayon ay doon sa Inter Agency Task Force at ang Local Government Unit.

Umaasa naman ito na magkakaroon pa ng mga pagbabago mula sa IATF dahil nagkakaroon ng bagong update sa tuwing 15 araw.

Magsisimula ang laban ng Gilas Pilipinas kontra South Korea sa Pebrero 24 habang haharapin nila ang India at New Zealand sa Pebrero 25 at 27.

Sa Pebrero 28 naman ay makakaharap nila ang South Korea.

Kuwalipikado na sa World Cup ang bansa dahil isa sila sa mga host countries kasama ang Japan at Indonesia.