-- Advertisements --
Ipinagpaliban muna ng Supreme Court (SC) ang 2020 Bar Examination.
Ito raw ang napagkasunduan ng SC en banc dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa buwan ng Hunyo, 2020 illabas ng SC ang bagong schedule ng eksaminasyon.
Isinasagawa ang taunang bar examination sa apar na Linggo ng Nobyembre.
Napagdesisyunan din sa en banc na sa Manila at Cebu City isasagawa ang mga susunod na bar exam.
Si Justice Marvic Leonen ang susunod chairperson ng 2020 bar exams.