-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Hinuli ng Highway Patrol Gruop Cotabato ang mahigit 200 na mga sasakyan na lumabag sa batas trapiko sa probinsya.
Ayon PMaj.James Baugbog ang Provincial Officer ng HPG na sa loob lamang ng dalawang linggo na intensive operation marami silang mga sasakyan na na-impound.
Kadalasan sa kanilang mga nahuhuli ay walang mga drivers license at ipa ba.
Payo ni Maj.Baugbog sa mga motorista na ayusin muna ang mga dukomento ng kanilang sasakyan upang hindi magka aberya sa kalsada at hindi mahuli ng kanilang hanay.
Dagdag pa ni Major.Baugbog na huwag matakot ang mga motorista sa kanilang presensya dahil ang kanilang hakbang ay upang mahuli ang mga indibidwal at mga sasakyan na karnap at naaugnay sa hindi magandang gawain.