Aabot sa 20 volcanic quakes ang naitala sa palibog ng Taal Volcano area sa loob ng 24-hour observation period.
Ayon sa PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology), base sa kanilang Taal bulletin ay nananatili ang Alert Level 1 status sa naturang bulkan.
Bukod sa 20 volcanic quakes sa Taal Volcano Network, naobserbahan din ng PHIVOLCS ang mahinang steaming o fumarolic activity na nasa limang metro ang taas.
Kaugnay nito, muling pinapaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko sa posibiliddad na magkaroon ng phreatic explosion, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas sa palibot ng Taal Volcano Island.
Kaya naman kanilang mariing inirerekomenda na ipagbawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, na itinuturing bilang Permanent Danger Zone.
Pinapayuhan din ang mga local government units na i-assess ang mga dati nang nilikas na mga barangay sa palibot ng Taal Lake para makapaghanda sa anumang pangyayari.
Inaabisuhan din ang publiko na nakatira malapit sa Taal Volcano na mag-ingat dahil sa ground displacement na nangyayari, at posibilidad na magkaroon ng ashfall at minor na mga lindol.