-- Advertisements --

Nagtala ng 20 bagong kaso ng mga Filipino na mula sa ibang bansa ang dinapuan ng coronavirus.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa nasabing bilang ay mayroon ng kabuuang 11,224 ang bilang ng mga Filipino na nasa labas ng Pilipinas ang nahawaan ng nasabing virus.

Sa nasabing bilang ay 7,254 ang gumaling na, 3,153 ang kasalukuyang ginagamot at 817 naman ang nasawi.

Sa talaan din ng DFA ay mayroon ding bagong anim na gumaling at isa ang nasawi.