Inaasahang mag-uunahan umano ang dalawang sikat na management team sa Amerika kung sino ang makakakuha ng kontrata sa next fight ni Sen. Manny Pacquiao.

Kung maaalala bago lamang pumirma si Pacman ng kontrata sa Paradigm Sports Management habang umiiral din ang deal niya sa promotional aspect sa Premiere Boxing Champions na kaalyado ni retired boxing champion Floyd Mayweather Jr.

Ang Paradigm naman ang may hawak sa MMA superstar na si Connor McGregor.

Pero agad na nilinaw ng business manager ni Manny na si Arnold Vegafria na wala namang conflict sa dalawa.

Gayunman inamin ng team ni Pacquiao na ang Paradigm ay pwede ring makipag-negotiate sa next fight ng fighting senator at business deals ng eksklusibo sa US.

-- Advertisement --

Kung maaalala huling lumaban si Pacquiao ay noon pang Hulyo ng nakalipas na taon.

Naniniwala naman si Jake Joson, isa pang miyembro ng Team Pacquiao na humarap sa press conference, sinuman sa dalawang kompaniya ang unang makakuha ng kongkretong deal pag-aaralan ito ng Pinoy ring icon kung sino ang tatanggapin.

Sa edad ngayon na 41-anyos ni Pacman mahalagang makapili raw ito ng best deal lalo na at maaaring ilang laban na lamang ang natitira para sa kanyang career.