Sugatan ang dalawang katao sa naganap na pamamaril sa loob ng paaralan sa Colorado.

Ayon sa Douglas County Sheriff, inaalam pa nilang mabuti ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Naganap ang pamamaril sa STEM School Highlands Ranch sa central Colorado.

Una rito, batay sa record umaabot sa halos 400,000 katao na ang napatay sa magkakasunod na pamamaril sa loob ng ilang mga paaralan sa US mila noong taong 2017.