Sugatan ang dalawang indibidwal matapos magkarambola ang limang sasakyan sa may bahagi ng Nagtahan bridge, De Jesus St. sa Maynila.

Batay sa report isang asul na truck ang naging sanhi ng aksidente kung saan dalawa sa pahinante nito ang sugatan.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Randy Limbiado at Gary Galido.

Si Limbiado ay nagtamo ng sugat sa ulo, braso at binti, habang si Galido ay nagtamo ng minor injuries.

Kasalukuyang ginagamot na sa Jose Reyes Medical Center ang dalawang sugatan na pahinante.

Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau na nawalan ng preno ang naturang truck na minamaneho ng isang Allan Banticel,habang binabagtas nito ang Nagtahan Bridge.

Sumalpok ang asul na truck sa isang silver na truck na bumangga sa bumangga sa dalawang taxi at isang puting kotse.

Iniimbestigahan na ng Manila Police District ang nasabing aksidente.