-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Dalawa katao ang bagong naitalang Person Under Investigation (PUI) suspect ng Coronavirus Virus disease (COVID-19) sa probinsya ng Cotabato.

Pinawi rin ng lokal na pamahalaan ng Cotabato ang pangamba ng mga residente Antipas, Cotabato sa kumakalat na balita hinggil sa umano’y COVID-19 positive na isang frontliner na may travel history sa Davao City.

Ayon kay Cotabato 2nd District board member Dr Philbert Malaluan at tagapagsalita ng COVID-19 Inter-agency Task Force ang pasyente ay mula sa Davao City at nakaramdam ng hirap sa paghinga dahil sa sipon pag-uwi nito sa bayan ng Antipas.

Na-classify ang pasyente bilang PUI suspect at agad na inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.

Nilinaw ni BM Malaluan na wala na sa Antipas ang pasyente taliwas sa mga kumakalat na impormasyon.

Isinailalim sa test sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City matapos makunan ng swab sample.

Samantala, sa bayan ng Midsayap, Cotabato naitala rin ang isang PUI suspect ngunit wala ng dapat ikabahala ang mga residente dahil nasa isolation facility na ito matapos makaranas ng hirap sa paghinga at may lagnat.

Nakunan na ng swab specimen ang pasyente at ipinadala sa SPMC sa Davao City upang masuri kung positibo o negatibo sa COVID-19.