-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang dalawa katao sa pamamaril patay sa lalawigan ng Maguindanao.

Unang nasawi si Zainal Abdullah 60 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy Maitumaig Datu Unsay Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnod Santiago na kakauwi lamang ng biktima galing sa kanyang sakahan at nagpapahinga ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang magsasaka sa kanyang katawan kaya agad itong binawian ng buhay.

Samantala, patay rin ang isang magbobote nang tambangan ito sa Brgy Satan Shariff Aguak Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Gerson Geromiano Gases, 43 anyos,may asawa at residente ng Barangay Tambak Lambayong Sultan Kudarat.

Lulan ang biktima ng kanyang minamanehong dropside na motorsiklo sa national highway ng barangay Satan galing sa pamimili ng bote nang paulanan ito ng bala ng mga hindi kilalang mga suspek.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan at agad binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa magkasunod na pamamaril patay sa Maguindanao.