ILOILO CITY – Hindi na umabot pa nang buhay sa ospital ang mag-live in partner matapos mabangga ng kotse ang sinasakyang motorsiklo at nasunog pa sa Sitio Taras, Brgy. Natividad, Barotac Viejo, Iloilo.

Ang mga biktima ay sina Lysander Leslie Lapidez, 50, at Lea Pormacion, 31, pawang residente ng Barangay Alalasan, Lapuz, Iloilo City at ikakasal sana.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PCpt. Ken Albert Lepsia, hepe ng Barotac Viejo Municipal Police Station, sinabi nito na nagtamo ng sugat sa ulo at bali ang paa ni Lapidez habang sugatan naman si Pormacion.

Ang kotse ay minamaneho ni Felix John Penticase, 27, residente ng Brgy. Mostro, Anilao, Iloilo.

Ayon sa hepe, nang-agaw umano ng daan ang kotse na minamaneho ng lasing na driver.

Nakakulong naman sa Barotac Viejo Police Station ang driver ng kotse at isa pang kasama nito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.