-- Advertisements --
manadaue fire 3 killed

CEBU CITY – Patay ang isang retired judge at ang asawa nito, habang missing naman ang kanilang apo matapos na sumiklab ang sunog sa Zamora St. Barangay Centro sa lungsod ng Mandaue, Cebu kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina retired judge Gerwin Gestopa, Jr., 67, ang asawa nito na si Louella Gestopa, 65, at ang missing nilang apo na isang special child na si Jeric, 20.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay SFO3 Antonio Montajes, fire investigator ng Mandaue City BFP, sinabi nitong nagsimula ang sunog sa second floor ng bahay ng pamilyang Lumapas at umano’y mabilis na tinupok ang malapit na kabahayan.

Pinaniniwalaan ng fire investigator na sinubukang lumabas ng mag-asawa, ngunit ito ay bumalik nang maalala na nasa itaas pa ng kanilang bahay ang nasabing special child na apo.

Ayon kay Montajes, posibleng na-suffocate ang mag-asawa kaya hindi na ito tuluyang nakalabas ng bahay.

Sa ngayon, patuloy pang hinahanap ng mga otoridad ang “missing” na apo ng mga nasabing biktima.

Nabatid na umabot sa siyam na kabahayan ang natupok ng apoy, nasa lima naman ang partially damaged at kasama sa nasunog ang mga law offices at dental clinic na nakahilira nabanggit na lugar, habang umabot naman sa P130,000 ang danyos na iniwan ng nasunog.