NAGA CITY- Patay ang dalawa katao kasama ang isang menor de edad habang dalawa pa ang sugatan matapos ang nangyaring aksidente sa Brgy. Mambulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na sakay ng isang Toyota rush ang mga biktima patungong Mindanao mula Metro Manila ng bigla na lamang umanong bunga ang nasabing sasakyan sa waiting shed.
Nabatid na kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Xomers Ampuan,28-anyos at ang dalawang taong gulang na sangol.
Habang sugatan naman ang sakay nito na sina Jonar Magunda, 17-anyos at Bura Padua, 23-anyos.
Nagawa pa umanong naitakbo sa Bicol Medical Center ang nasabing mga biktima ngunit dalawa dito ang dineklara ng dead on arrival ng mga doctor.
Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hingil sa naturang insidente.