NAGA CITY – Patay ang dalawang motorista habang kritikal naman ang isa pa sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Zone 1, Brgy. Ayugan, Ocampo, Camarines Sur.

Kinilala ang mga namatay na sina Bernie Magistrado at Jemerson Taduran, habang kritikal naman ang kalagayan ni Joshua Oquialda.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Reymund Joy Paaño ng Ocampo PNP, sinabi nitong habang binabaybay ng dalawang motorsiklo ang magkahiwalay na direksyon nang biglang magsalpukan pagdating sa nasabing lugar.

Pinaniniwalaang parehong mabilis ang takbo ng dalawa na nauwi sa aksidente.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima na agad namang itinakbo sa ospital subalit binawian naman agad ng buhay ang dalawang driver habang nanatili namang kritikal ang kondisyon ng backrider ni Magistrado na si Oquialda.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.