-- Advertisements --
FB IMG 1587525076150

Nadagdagan pa ng dalawang inmate ng Correctional Institution for Women (CIW) ang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), ang dalawang persons deprived of liberty (PDL) patients ay bahagi rin ng batch ng nagpositibong inmate na nai-relese ang resulta kahapon.

Agad naman daw silang dadalhin kasama ang una nang dinala sa New Bilibid Prison (NBP) quarantine area na tinatawag na “Site Harry.”

Muli namang tiniyak ng BuCor na mahigpit nilang susundin ang transport protocols sa pamamagitan ng koordinasyon sa Department of Justice (DoJ), Department of Health (DoH) at International Committee of the Red Cross (ICRC) at iba pa nilang partners.

Una rito, 18 inmates ng CIW at isang jail personnel ang nagpositibo sa virus.

Kahapon nang kumpirmahin ng BuCor na mayroon nang naitalang unang kaso ng COVID-19 NBP.

Ayon sa BuCor ang lalaking person deprived of liberty (PDL) patient ay mula sa NBP Medium Security Compound.

Sumailalim daw ito sa medical check up sa NBP Hospital noong Abri 17, 2020 at ini-refer sa Research Institute for Medical Medicine (RITM).

Isinailalim agad ito sa covid test at nang lumabas ang resulta ay positibo ito sa naturang virus.

Ang PDL ay naka-confine pa rin sa RITM na kauna-unahang PDL mula sa NBP na nagpositibo sa naturang virus.

Sa ngayon, tuloy-tuloy namang ang implementasyon ng anti-covid measure sa NBP at patuloy ang tracing sa nakasalamuha ng naturang bilanggo.

Ang Medical staff na umasikaso sa PDL patient ay naka-quarantine na rin.