Kumasa ang mga pinuno ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa lifestyle check initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa lahat ng opisyal ng gobyerno para mapigilan ang posibleng korupsiyon.
Ito ay ginawa kasabay ng utos ng Pangulo na pagpapatupad ng hakbang sa executive department sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa flood control projects ng gobyerno.
Sa panig ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr, nagpahayag ito ng buong suporta sa naturang inisyatibo at sinabing makakatulong ito para maisiwalat ang posibleng misconduct o maling gawain ng public officials.
Hindi naman na ito bago sa kalihim dahil bilang isa din aniyang negosyante ay ginagawa na rin niya ito noon sa kaniyang sariling kompaniya.
Gayundin, suportado ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque ang naturang direktiba.
Sa katunayan, sinimulan na aniya ng DTI na tugunan ang umano’y accreditation for sale scheme sangkot ang mga kontraktor ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).