-- Advertisements --
Isa ang patay habang pito ang nasugatan kabilang ang dalawang overseas Filipino workers (OFW) ng bumagsak ang gusali sa Doha, Qatar.
Ayon sa Interior Ministry sa Qatar na mga pamilya ng Pakistan, Egypt at Filipino ang naninirahan sa nasabing gusali.
Inaalam pa ng mga otoridad ng pinakasanhi ng nasabing pagbagsak ng gusali.
Ayon naman sa Department of Migrant Workers (DMW) na ang dalawang OFW ay nagtamo lamang ng kaunting pinsala sa katawan.
















