-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sinailalim ngayon sa Tactical interogation ang dalawang kasapi ng New Peoples Army (NPA) na nahuli sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga rebelde na sina Nino Orate 27 anyos at Jobert Damiles,27,mga residente ng Kalamansig Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Reynaldo Celestino na ang dalawang NPA ay mayroong kinakaharap na kasong murder.

Ang mga nahuli ay mga miyembro ng Guerilla Front Musa o mas kilala sa tawag na Guerilla Front 73.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng militar at pulisya ang kanilang operasyon para tuluyang mahuli o mapasuko ang iba pang mga miembro ng NPA na kumikilos sa lalawigan ng Sultan Kudarat.