Patay ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ng makasagupa ng mga tropa ng 75th Infantry Battalion sa may Barangay Bunawan Brook, Agusan del Sur bandang alas-3:45 kahapon ng hapon habang nagsasagawa ng security operations ang mga sundalo matapos makatanggap nang ulat ang militar na kinikikilan ng mga rebeldeng NPA ang mga residente.
Umigting ang 15 minutong sagupaan na ikinasawi ng dalawang NPA members.
Narekober mula sa encounter site isang Norinco AK 47 rifle, 1 M16A1 rifle, 1 cal. 45 pistol, 1 hand grenade, empty magazines ng AK47 and M16 at mga backpacks.
Ayon kay 75th IB Lt Col. Jaime Datuin, ang enkwentro laban sa NPA members ay resulta sa ibinigay na impormasyon ng mga sibilyan sa lugar.
Sinabi ni Datuin ang dalawang napatay na NPA ay miyembro ng Guerilla Front 14 sa ilalim ng pamumuno ni Arnold Orlanes alias Jorlan na nag ooperate sa Agusan del Sur at Surigao del Sur.
Tiniyak naman ng militar sa lugar na kanilang ipagpapatuloy ang pag secure sa kanilang areas of responsibility para hindi makapaghasik ng karahasan ang rebeldeng NPA.
Pinuri naman ni 401st Infantry Brigade Commander Col. Allan Hambala ang mga tropa ng 75th IB.