Inilabas na ng Eastern Police District (EPD) ang autopsy report sa dalawang nasawi na indibidwal kaugnay sa madugong Mandaluyong shooting.

Batay sa autopsy report ng EPD Crime Laboratory, tadtad ng bala sa ulo at katawan ang dalawang biktima.

Sangkot sa nasabing shooting ang 10 pulis at ang tatlong tanod ng Barangay Addition Hills.

Ayon kay P/Supt. Isidro Carino, hepe ng crime lab ng EPD, multiple gunshot wounds ang tinamo sa ulo at lower extremities nina Jonalyn Ambaan at Jomar Hayawon.

Nadiskubre rin ng crime lab na malapitang binaril sa mukha si Jonalyn

Inihayag ni Carino na ang ballistic at trajectory report na lamang ang tinatapos ng crime lab ng EPD katuwang ang Philippine National Police Crime Laboratory sa national headquarters.
Top