-- Advertisements --
Patay ang dalawang lalaking miyembro umano ng kidnap for ransom group matapos na sila ay maka-engkuwetro ng mga kapulisan sa Brgy. Gulod Malaya sa San Mateo Rizal.
Ayon kay Police Maj. Ronaldo Lumactod, hepe ng Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) public information office, nakilala ang mga suspek na sina Nathaniel “Tonton” James Recto at ang hindi pa nakikilalang kasamahan nito.
Isisilbi sana nila ang warrant of arrest ng sila ay tumakas at nakipagbarilan sa mga kapulisan.
Sinasabing sila ang nasa likod ng mga nagaganap na pagdurukot sa ilang bahagi ng Luzon ganun din sila ay may kaso ng gun ban.