-- Advertisements --

Nanindigan si University of the Philippines (UP) College of Law Associate Dean Paolo Tamase na hindi na dapat pang isama ang mga senador na hindi nakikibahagi sa impeachment trial, sa voting treshold.

Giit ng batikang abogado, dapat ay tanging ang mga senador lamang na nakikibahagi sa paglilitis ang ibilang o bigyan ng pagkakataong bumuto.

Sa kabilang banda, kung bibigyan naman sila aniya ng ‘full access’ sa record, transcript, at mga video ng proceedings, maaaring sapat na aniya ito para payagan o ibilang sila sa treshold o actual na bilang ng mga senador na maaaring bumoto sa trial.

Basta’t magawa aniya nilang basahin, kilatisin, at suriin ang mga record, dokumento, at mga ebidensiya, ay maaari aniya silang ibilang o isama sa denominator.

Gayonpaman, sa kaso nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta na kapwa nakakulong, wala na aniyang kapangyarihan ang Senado at sa halip ay desisyon na ng Sandiganbayan kung papayagan silang maka-access sa livestream.

Kung hindi sila papayagan ng Sandiganbayan, naniniwala si Atty. Tamase na hindi na sila dapat ibilang pa sa voting treshold.