CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na masalubong pa ng dalawang babaeng menor de edad ang pagpasok ng bagong taon dahil sa sinapit na malagim na aksidente na kinasangkutan na nagresulta ng kanilang pagkasawi sa Palalan, Barangay Lumbia, Cagayan de Oro City nitong madaling araw.
Kinilala ni Cagayan de Oro City Police Office spokesperson Maj Evan Viñas ang mga nasawi na sina Anna Marie Malate,14 at Mary Ann Bacarro,17 na parehong residente sa nabanggit na lugar.
Inihayag sa Bombo Radyo ni Viñas na nag-counter flow umano ang isang Mitesil Ugbinada habang sakay si Malate at nang nasalubong nito ang motorsiklo na minaneho ni Bernie Panis na naka-backride rin si Bacarro.
Dagdag ni Viñas dahil sa malakas na impact nang banggaan ay tumilapon umano sina Malate at Bacarro dahilan na agad binawian ng mga buhay.
Kapwa dinala naman sa magkaibang pagamutan sina Panis at Ugbinada habang inihanda ang mga kaso na kanilang kahrapin sa susunod na linggo.
Bagamat zero firecrackers related incident ang buong syudad habang ipinag-diriwang ang kapaskuhan subalit tumambad naman ang madugo na banggaan ng mga biktima.