-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa bayan ng Mlang, North Cotabato kaugnay sa mga pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa bahagi ng national highway sa Prk. 1, Brgy Nueva Vida.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PLt. Col. Realan Mamon, hepe ng Mlang PNP, kinilala nito ang mga biktima na sina Mactar Isma Maulana, 25 anyos, mekaniko at menor de edad na alyas William, na pawang residente ng Brgy. Kilagasan, Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Mamon, nagtamo ng maraming saksak ang mga biktima kung saan nasa 35 stab wounds ang tinamo ni Maulana habang 20 saksak naman kay alyas William kung saan ang mga biktima ay pawang binalutan ng packing tape ang kanilang mukha at nakatali ang mga kamay at paa.

Posible umanong tinapon lamang ng mga suspek ang naturang mga biktima sa lugar.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa kalapit na mga police station para sa malalimang imbestigasyon at matukoy ang mga persons of interest sa nasabing krimen.