-- Advertisements --

Patay ang dalawang holdaper ng mga tricycle matapos na maka-engkuwentro ng mga kapulisan sa Novaliches, Quezon City.

Ayon sa mga kapulisan, modus ng mga suspek ang magpahatid sa mga tricycle na namamasada at pagsapit sa madilim na lugar ay doon magdedeklara ng holdap.

Natunton ang mga suspek sa bakanteng lote ng Brgy. Bagbag kung saan doon nila pinag-pipiraso ang sasakyan.

Imbes na sumuko ang mga suspek ay nakuha pa ng mga ito na manlaban.