-- Advertisements --

Inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na dalawa hanggang apat na bagyo ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Oktubre, ayon sa state weather bureau.

Ayon weather bureau, magiging maaliwalas ang panahon ngayon sa malaking bahagi ng bansa dahil sa easterlies o hanging galing sa Karagatang Pasipiko.

Inaasahan naman ang mga panandaliang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa hapon o gabi, lalo na sa Eastern Visayas, Caraga, at Bicol Region.

Apektado rin ng Habagat ang offshore Palawan, partikular sa Kalayaan Group of Islands.

Habang patuloy na pinapayuhan ang publiko na maging alerto at subaybayan ang mga weather advisory.