-- Advertisements --

ILOILO CITY – Dumating na sa Iloilo ang 12 finalists ng third National Bombo Music Festival para sa nalalapit na grand performance night sa Enero 11.

Isa-isang ibinahagi ng mga composers ang istorya sa likod ng kanilang mga kanta.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Marti Catequista, isa sa mga composer ng kantang “BREAK,” sinabi nito tungkol sa sobrang paggamit ng social media ang awiting ginawa nila ng kanyang co-teachers.

Umaasa siya na sa pamamagitan awiting ito ay maipaparating niya sa mga tagapakinig na bawasan ang paggamit ng social media upang mabigyan pansin din ang mga bagay na mas makakatulong sa buhay.

Samantala, sinabi ng mga finalists na hangad nilang makapagpahinga sa mga susunod na araw para maibigay ang 100% na performance pagsapit ng Enero 11, alas-6:00 ng gabi sa West Visayas State University Cultural Center.

Ang Bombo Music Festival ay bahagi lang sa ginagampanan ng network na corporate social responsibility upang madiskobre ang mga talento ng mga Pilipino sa larangan ng musika at isulong ang musikang Pilipino.