VIGAN CITY – Dalawang dalaga ang nasagip sa sex den sa Sta. Maria lalawigan ng Ilocos Sur mula sa isang suspek na dati ng nahuli dahil sa gawain nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PMaj. Millenium Bantas ng CIDG- Ilocos Sur, noong isang araw pa sana nila isasagawa ang nasabing operasyon kontra sa suspek na si Manuel Escobar, 76-anyos, taga-Sitio Bataan, Brgy. Suso, Sta. Maria ng nagkaroon ng problema sa transaksyon kung kayat kahapon lamang sila nagkaroon ng pagkakataon dahil sa reklamo ng isang concerned citizen sa nasabing bayan.

Isang miyembro nila ang nagpanggap bilang kliyente ng mga biktima kung saan inalok sila ng suspek ng tig-apat na libong pisong halaga bawat isa sa biktima na siyang naging daan upang masagip ang mga biktimang 19-anyos at 24-anyos.

Inamin ng mga biktima na kung kapos sila ay kanilang linalapitan ang suspek dahil wala na umano silang matakbuhan pa.

Dati na umanong nahuli ang suspek sa nasabi ding kaso pero na-dismiss ito.

-- Advertisement --

Gayunman, nakuha mula sa suspek ang anim na P1,000, isang P100 at cellphone na sa ngayon ay nasa CIDG-Ilocos Sur na para sa kasong maisasampa sakanya.