ILOILO CITY – Ipapatawag ng Sangguniang Panlalawigan ang mga courier service providers sa Iloilo.
Ito ay kasunod ng panlolokong ginawa ng isang online shop sa dalawang board member sa probinsya.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo 4th District Board Member Rolly Distura, sinabi nito na layunin ng nasabing hakbang na alamin sa mga courier companies ang patakaran sa delivery ng mga produkto na binibili sa mga online shops kung saan pinagbabawalan ang buyer na buksan ang produkto bago ito bayaran.
Ayon kay Distura, dahil dito,maraming mga customers ang naloloko kung saan siya mismo at si Board Member Matt Palabrica ang nakatanggap ng fake item.
Nanawagan din ang opisyal sa national government na bigyang atensyon ang Consumer Protection Act.