Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) na dalawang teenager ang namatay sa sunog sa bahagi ng Sandico Street sa Barangay 35 sa Tondo, Maynila, dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Ayon sa BFP, magkayakap pa ang magkapatid na biktima nang sila ay matagpuan ng mga otoridad.

Sa impormasyon, nasa edad 12 at 15-anyos ang mga nasawi pero hindi pa alam ang kasarian ng mga ito.

Lumalabas na na-trap ang mga biktima nang mangyari ang sunog.