-- Advertisements --
Dalawang sama ng panahon ang inaasahang papasok sa bansa makaraan ang tatlong araw.
Sinabi ni Pagasa Administrator Usec. Vicente Malano na ang katangian ng dalawang bagyo ay katulad ng 2 naunang pumasok.
Ang tinutukoy ni Malano ay ang Bagyong Caloy at Domeng na galing sa West Philippine Sea papuntang Norte at saka didiretso ng China.
Samantala, magpapatuloy pa rin anya ang nararanasang mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa dulot ng La Niña.
Ayon kay Malano, partikular na maapektuhan ng mga pag-ulan ang Visayas, Bicol region, Palawan at Eastern Mindanao.
Tinaya ng opisyal na tatagal ang La Niña hanggang sa katapusan ng taon.