250px Ph locator misamis oriental tagoloan

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Mayroon ng person of interest ang pulisya sa pagkamatay ng dalawang taong gulang na binatilyo na inilagay sa malaking balde na may lamang tubig sa Purok 3, San Vicente Casinglot, Tagoloan, Misamis Oriental.

Sinabi ni Cpl. Jackie Lou Malagamba, hepe ng Women and Children Protection Desk ng Tagoloan PNP na kanila nang isinailalim sa interogasyon ang hindi muna pinangalanang person of interest.

Naging emosyonal pa si Malagamba na nananawagan sa kung sinuman ang nakakita sa krimen na makipagtulungan sa kanila upang mabigyan ng hustisya ang sinapit ng kaawa-awang bata.

Samantala inamin naman ni Michael Gubat, ama ng biktima na may duda siya kung sino ang pumatay sa kanyang anak ngunit tumanggi muna itong pangalanan dahil sa kawalan ng ebidensya.