Nakarating na sa Pilipinas ang unang batch ng Filipinos na lulan noon ng Diamond Princess cruise ship.
Lumapag ang sinakyan nilang eroplano mula sa Japan dakong 10:15 ng gabi sa Clark Airport sa Pampanga.
May kabuuang 309 na Filipino, 2 officers ng Department of Foreign Affairs at apat na Department of Health medics ang lulan ng unang batch ng eroplano na pinauwi mula sa cruise ship na nakadaong sa Japan.
Pagkarating ng mga ito ay agad silang inilagay sa quarantined ng 14 na araw sa New Clark City sa Tarlac.
Mayroong kabuuang 445 Filipinos mula sa cruise ships, siyam na miyembro ng DOH at apat na opisyal ng DFA ang pinauwi.
Umaabot kasi sa 80 mga Filipino na lulan ng nasabing barko ang nagpositibo sa coronavirus subalit 10 sa kanila ang nailabas na sa pagamutan.
Ang nasabing cruise ship ay nakadaong sa Yokohama, Tokyo na mayroong 600 kaso ang kumpirmadong nadapuan ng virus sa 3,700 na pasahero at crew.