-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Dumating na sa Eastern Visayas ang first batch ng mga repatriated overseas Filipino workers (OFWs) na nakauwi sa pamamagitan nang nagpapatuloy na balik probinsya program ng gobyerno.

Ang naturang OFWs ay mahigit isang buwang naka-quarantine sa Metro Manila na pinahintulutang makauwi sa kanilang probinsya matapos na magnegatibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kaagad naman silang sinundo ng ambulansya sa DZR airport pabalik sa kani-kanilang mga munisipyo.

Ayon kay Marilou Almarenez, mula Dagami, Leyte at OFW mula Kuwait, nagdesisyon na lamang itong umuwi sa Pilipinas matapos na magsara ang kaniyang tinatrabahuan dahil sa COVID-19 pandemic.

Pero kahit na nawalan ang mga ito ng trabaho ay hindi naman mapagsidlan ang kanilang kaligayahan dahil matapos ang halos dalawang buwang quarantine sa isang hotel sa Metro Manila ay makakauwi na sa kanilang pamilya

Nanawagan ito sa gobyerno na matulungan silang mga na-repatriate na OFWs na magkaroon ng hanapbuhay lalo pa ngayon na imposible pa silang makabalik sa abroad sa gitna ng krisis.