Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng bagong record high na 19,441 COVID-19 cases para sa isang araw.
Mayroon namang naitalang 19,191 na gumaling at 167 na mga bagong pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitala sa bansa, 7.4 percent (142,679) ang aktibong kaso, 90.9 percent (1,760,013) na ang gumaling at 1.71 percent (33,008) ang namatay.
Ayon pa sa DoH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 26, 2021 habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa record sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong laboratoryo na ito ay humigit kumulang 1.3 percent sa lahat ng samples na nai-test at 0.2 percent sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Samantala, umaabot sa 202 ang duplicate entries ang inalis sa listahan ng total case count.
Sa naturang bilang, 191 ay natuklasang gumaling na at nag-negatibo sa nakaraang test.
Habang may 76 cases naman ang unang naisama sa recoveries ay pumanaw na pala base sa final validation.