DOTr MRT Tugade
IMAGE | DOTr Sec. Arthur Tugade leads MRT-3 inspection, a day before Metro Manila welcomes general community quarantine/Twitter

May 19 na tren na bi-biyahe para sa Metro Rail Transit (MRT-3) bukas, June 1, kasabay ng pagbubukas ng general community quarantine sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kasama sa mga patatakbuhin nilang tren ang tatlong sets ng mga bagong Dalian trains.

“Ang gagamitin na tren sa Lunes ay hindi na 14 o 15. Ang gagamitin ay 19 na tren. Sa ganitong pamamaraan, madadagdagan ang biyahe at madadagdagan ang mga mananakay bagamat limited capacity,” ani Transportation Sec. Arthur Tugade.

Asahan daw na mas mabilis ang biyahe ng MRT-3 trains dahil patatakbuhin daw ito ng 40-kilometers per hour. Ibig sabihin, mas bibilis ang takbo nito ng anim na minuto.

Una nang sinabi ng Transportation department na limitado lang sa 160 pasahero ang papasakayan sa kada train.

Ito’y pagbibigay daan daw sa protocols ng physical distancing para maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.

“Having more trains, faster operating speed, and lower headway are intended to contribute in mitigating the reduction in capacity of MRT-3 which will only be able to accommodate 153 passengers per train set, or 13% of its pre-ECQ capacity of 1,182 passengers per train set, due to implementation of 1-meter social distancing inside trains,” ani MRT-3 director for operations Michael Capati.

Ngayon pa lang, ilang istasyon na ng MRT-3 ang naglagay ng markings sa pagpila ng mga inaasahang pasahero mula pagbabayad ng counter hanggang makasakay ng tren.

Ang mga tren naman ay pinwestuhan na rin ng markings kung saan lang pwedeng umupo at tumayo ang mga pasahero.

Alas-5:30 ang unang biyahe ng mga tren sa parehong North Avenue at Taft Avenu stations.

Alas-9:10 naman ang last trip mula North Avenue, habang 10:11 ng gabi ang huling biyahe galing Taft Avenue.