Tiniyak ng Department of Health (DoH) na tuloy-tuloy na ang kanilang ginagawang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) test bilang tugon sa lumolobong bilang ng mga kaso ng naturang sakit sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DoH) Usec. Maria Rosario Vergiere, sa ngayon mahigit 19,000 individuals ang sumailalim sa covid test.
Sa mahigit 19,000 na sumailalim sa test nasa 15,398 individuals na ang nag-test negative ng COVID-19 at 49 naman ang nakitaan ng “equivocal” result.
Paliwanag ng opisyal na ang ibig sabihin ng equivocal ay posibleng positibo o negatibo ang isang indibidwal sa test kayat kailangan ulit itong ma-test para makakuha ng accurate result.
At bagamat hindi pa opisyal, sa ngayon ayon kay Vergiere, lumalabas na 3,749 ang mga dinapuan ng sakit.
Ipinaliwanag naman ng Health official na hindi tugma ang bilang ng mga nagpositibo ng COVID-19 dahil ang ilang tests ay naulit na at ang ilang indibidwal ay na-admit naman para sa monitoring purposes.
Sa huling data ng DoH, 3,018 ang confirmed cases, 136 ang namatay at 52 ang naka-recover.