Nasa 18 protesters ang napatay umano matapos barilin ng mga kapulisan sa Myanmar.

Itinturing na ito na ang pinakamatinding insidente mula ng makuha ng military ang pamumuno sa gobyerno at ikinulong si leader Aung San Suu Kyi.

Marami ring mga protesters ang nasugatan sa nasabing insidente.

ito na rin ang pangalawang linggo ng ipinatupad na intensified crackdown ng mga kapulisan sa mga anti-coup protesters kung saan marami ang naaresto.