KORONADAL CITY- Nasa kulungan na sa ngayon ang limang kalalakihan matapos na maaresto dahil sa pambubogbog sa isang 17 taong gulang na binatilyo sa Bagumbayan, Suktan Kudarat.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal sa ina ng biktima na isang OFW, nais nitong makulong ang mga may gagawan ng pananakit sa anak nito at tuluyang mapanagot ang mga suspek sa kanilang gagawan.
Sa ngayon, humihingi ito ng tulong na makauwi upang matulungan ang kanyang anak na nahihirapan sa kanyang sitwasyon sa ngayon sa isang pribadong pagamutan.
Kung maalala, umabot di umano sa dalawampu ang nambugbog sa biktima hanggang tuluyang di na makakita ang isang mata nito.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng mga kapulisan sa bayan ng Bagumbayan sa mga natitira pang mga suspek sa nasabing mambubugbog.