-- Advertisements --

Patay ang 17 katao habang marami ang sugatan matapos na masunog ang isang gusali sa Hyderabad City, southern India.

Dinala na sa pagamutan ang mga sugatan biktima sa sunog na naganap malapit sa makasaysayang Charminar monument.

Ayon kay federal minister and Bharatiya Janata Party leader G Kishan Reddy na nagmula ang sunog dahil umano sa short circuit.

Base sa inisyal na imbestigasyon na aabot sa 21 katao ang nasa loob ng tatlong palapag na gusali ng magsimula ang sunog.

Umabot sa mahigit isang oras bago tuluyang maapula ang nasabing sunog.