Nasa 16 katao ang patay sa malawakang pagbaha sa Uganda.

Nagbunsod ang pagbaha sa halos isang linggong walang tigil na pag-ulan.

Lubhang natamaan ng pagbaha ay ang western Bundibugyo.

Maraming mga kabahayan at tulay ang nasira matapos na anudin ng malakas na agos ng tubig.

Nagsasagawa pa rin ng rescue operations ang mga otoridad sa nasabing lugar.