-- Advertisements --

Balik ngayon sa mas mababang mahigit 4,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na nadagdag sa bansa.

Ito ay makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 4,478 na mga karagdagang kaso ng COVID-19.

Dahil dito ang kabuuang dinapuan ng coronavirus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 1,566,667.

Marami naman ang mga bagong gumaling ngayon na umaabot sa 6,149.

Ang kabuuang nakarekober na sa virus sa bansa ay nasa 94.8 percent o katumbas ‘yan sa 1,484,714.

Samantala nasa 84 naman ang mga bagong pumanaw bunsod ng deadly virus.

Ang death toll sa bansa ay nasa 27,401 na.

Gayunman may apat na laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang latest data sa DOH.

“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.5% (54,552) ang aktibong kaso, 94.8% (1,484,714) na ang gumaling, at 1.75% (27,401) ang namatay,” dagdag pang statement ng DOH. “Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 26, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.6% sa lahat ng samples na naitest at 1.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”