Reading Time: 1 minute
Lake Kivu
Map of Lake Kivu

Aabot sa 150 katao ang nawawala matapos ang paglubog ng isang bangka sa Congo.

Sinabi ni Democratic Republic of Congo President Felix Tshisekedi, naganap ang aksidente sa Lake Kivu.

Nagpatupad na sila ng search and rescue sa nasabing mga nawawalang pasahero.

Ikinalungkot din niya ang pangyayari at nagpaabot siya ng pakikidalamhati sa mga pamilya ng mga pasahero.

Ayon naman kay Vital Muhini ang national Deputy mula sa South Kivu province na mayroon ng 37 katao ang nailigtas habang tatlong bangkay na ang kanilang narekober.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon at search and rescue operations sa lugar.