-- Advertisements --
NAGA CITY- Muli na namang nakapagtala ng 14 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Bicol Region.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH)- Bicol, napag-alaman na dahil sa dagdag na 14 na kaso, umakyat na sa kabuuan na 258 ang kaso ng naturang sakit sa rehiyon.
Sa 14 bagong kaso, tatlo dito ang mula sa Catanduanes, lima ang mula sa Masbate at Camarines Sur habang mayroon namang isang naitala sa lalawigan ng Albay.
Samantala, napag-alaman naman na ang bayan ng Gigmoto sa Catanduanes at Goa sa Camarines Sur ay nakapagtala ng kanilang unang kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, nasa 144 naman ang bilang ng mga active cases sa Bicol Region.