-- Advertisements --

Nasa 14 na lugar sa bansa ang nakapagtala ng mas mataas sa 20 percent o very high na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) positivity rates sa mga nagdaang linggo.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, sa ngayon ang National Capital Region (NCR) ay mayroong 15 percent na positivity rate.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa pagsusuri.

Sinabi ni David na base sa data, ang Albay, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac at Zambales ay nakapagtala ng mas mataas sa 20 percent na one-week positivity rate mula noong July 29.

Sa Isabela naman naitala ang lugar na mayroong pinakamataas na positivity rate na 36.3 percent noong Biyernes kumpara sa 25.7 percent noong July 23.

Sa data na ibinahagi ni David, ang Tarlac ay mayroong 31.6 percent na positivity rate; Laguna, 30.9 percent; Camarines Sur, 28.4 percent; Quezon, 27.5 percent; Zambales, 27.2 percent; Cavite, 27.1 percent; Nueva Ecija, 25.8 percent; Albay, 25.4 percent; Pampanga, 23.2 percent; Cagayan with 22.7 percent; Rizal with 21.7percent; Pangasinan with 21 percent at La Union with 20.9 percent.

Samantala, sinabi naman ni David na ang one-week positivity rate ng NCR ay bahagyang tumaas mula sa 14.2 pecent noong July 23 ay naging 15 percent ito noong July 29.