-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot na sa mahigit 20,000 residente ng Santiago City ang sumailalim sa COVID-19 test bilang bahagi ng mass testing program ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay City mayor Joseph Tan,umabot na sa 14.18% ng kabuoang populasyon ng lunsod ang naisailalim na sa pagsusuri.

Batay sa kanilang datos 13,000 katao ang sumailalim sa rapid test habang mahigit 16,000 naman ang sumailalim sa swab test.

Maliban sa mass testing ay isinusulong na rin ng pamahalaang Lunsod ng Santiago ang paperless transaction sa mga kumukuha ng travel pass sa pamamagitan ng pagkakaroon internet connectivity.

Sa kasalukuyan ay may 176 ang confirmed case ng Santiago City , 157 ang clinically recovered at isa ang nasawi.