-- Advertisements --
Umaabot sa 139 na mga local government officials ang sinampahan ng kaso ang inihain ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa maanomalyang pag-distribute ng mga ayuda sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, nakatanggap sila ng 452 na complainants kung saan inireklamo nila ang nasa 649 na mga suspeks.
Inihahanda na rin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 250 na kaso kung saan 139 dito ay naisampa na sa prosecutor’s office.
Mayroong 885 private individuals ang inaresto dahil sa iba’t ibang krimen gaya ng hoarding, profiteering at manipulation ng presyo.