-- Advertisements --

Pumalo sa 133 Philippine Coast Guard (PCG) personnel ang nagpositibo na rin sa COVID-19.

Nabatid na nagmula ang mga ito sa national headquarters na nakabase sa lungsod ng Maynila.

Bunsod nito, pansamantalang naka-lockdown ngayon ang tatlong tanggapan ng PCG dahil sa nasabing pangyayari.

Kabilang sa mga isinara ang Office of the Deputy Chief of Coast Guard Staff for Comptrollership, Coast Guard Public Affairs at Coast Guard Finance Service.

Nananatili naman ang trabaho ng ibang tanggapan na nakatutok sa mga sitwasyon ng mga pantalan sa bansa, rescue operations at pagpapatrolya sa West Philippine Sea.