Panibagong 13 pang mga Pinoy sa abroad ang naiulat na nagpositibo sa COVID-19, habang 15 naman ang bagong nakarekober.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang naturang bilang ay mula lamang sa apat na mga bansa na nagbigay ng ulat sa kanila.

Sa ngayon nasa kabuuang 8,627 na mga kababayan na ang nahawa sa COVID na nasa ibang bansa.

Sa naturang bilang umaabot pa sa 2,903 ang sumasailalim sa gamutan.

Nadagdagan naman ang mga gumaling na mga OFW na nasa 5,163.

Nanatili pa rin sa 561 ang death toll.

Sa data ng DFA pinakamarami pa ring mga Pinoy na nagkasakit sa coronavirus ay mula sa Middle East at African countries na umaabot na sa 3,809.

pinoy covid