VIGAN CITY – Isinailalim sa MECQ ang 13 bayan sa Ilocos Sur ngayong araw dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng covid-19.

Sa isinagawang press conference ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson, sinabi nito na simula ngayong araw hanggang April 21 ay sasailalim sa MECQ ang syudad ng Vigan at Candon, bayan ng Cabugao, Bantay, Sinait, Cervantes, Narvacan, Santa, Sta. Maria, San Esteban, Sta.Lucia, Suyo at Tagudin.

Maliban diyan ay kanya ring isinailalim sa Enhanced Community quarantine ang bayan ng Alilem.

Ayon sa Gobernador, ang nasabing hakbang ay dahil sa pagdami pa ng kaso ng covid-19 at bigong pagpapatupad ng Resolution 101 ng gobyerno national.